Saturday, May 4, 2024

Pahayag ni Gutierrez, pinatutsadahan ni Panelo

- Advertisement -

Pinayuhan ng Malakanyang si Vice President Leni Robredo na matulog muna at magnilay-nilay bago pagdesisyunan ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagiging co-chairman nito sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) hanggang taong 2022.

Pinatutsadahan ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo ang naging pahayag ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez na kinakailangan munang amyendahan ang Executive Order No. 15 dahil hindi nakasaad dito ang pagiging drug czar ni Robredo.

Iginiit ni Panelo na may kapangyarihan ang Pangulong Duterte na lumikha ng mga posisyon sa loob ng burukrasya.

Samantala, naniniwala ang Malakanyang na kakayanin ng Bise Presidente ang hamon ng lipunan sa pagreresolba sa problema ng iligal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img