Radio Philippines Network
Headlines National News

Pahayag ng Kapa founder taliwas sa babala ni Duterte

Pinasalamatan ni Pastor Joel Apolinario, tagapagtatag ng Kapa Community Ministry International si Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte dahil pinahintulutan umano nila na magpatuloy ang operasyon ng kanilang samahan.

Sa pagdalo sa isinagawang grand prayer rally ng mga miyembro ng Kapa sa General Santos City, sinabi ni Apolinario na nakita ng pangulo ang paghihirap ng mga tao kaya naawa ito at sila’y pinayagang magpatuloy sa operasyon.

Ayaw din aniya ng pangulo na bumalik pa sa kahirapan ang mga tao kaya’t kung ano umano ang tinatamasa sa loob ng tatlong taon ay nais niya itong ipagpatuloy.

Taliwas naman ito sa pahayag ni Pangulong Duterte na ipasara na ang Kapa.

Samantala, bago umalis si Apolinario ay inanunsyo nito ang pagdating ng pangulo kaya’t nanatili sa sports complex ang mga miyembro nito kahit pa umuulan.

Ngunit bigo ang mga ito sa pagdating ng pangulo at inanunsyo na rin ng emcee na hindi na makakapunta ang pangulo dahil umano sa may dinaluhan itong aktibidad.

Related posts

Walang magaganap na house-to-house search — Spox

Powered by DWIZ

Umano’y pagtatayo ng China ng maritime rescue center dapat ipasalamat — Palasyo

Powered by DWIZ

80% ng Pinoy umaasang magiging masaya ngayong kapaskuhan

Powered by DWIZ