35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Pahayag na kasalanan ng Senado ang nangyaring aberya sa SEA Games walang basehan — Drilon

- Advertisement -

Itinuturing na malaking insulto sa Senado ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang naging pahayag ni 1 – Pacman Partylist Rep.  Mikee Romero.

Una nang sinabi ni Romero na kasalanan ng Senado ang nangyayaring aberya sa SEA games ngayon dahil sa pagka-pending ng 2019 national budget.

Ayon kay Drilon, walang basehan ang naging pahayag ni Romero.

Aniya, nagkaroon ng delay sa pagkapasa ng budget noong nakaraang taon dahil sa unconstitutional insertions na ginawa ng House of Representatives.

Tinukoy ni Drilon na 95.3-B na halaga ng pork barrel funds ang pilit na isinisingit ng mga kongresista sa 2019 national budget.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -