Pagtutulak ng death penalty bsa bansa prayoridad ng ACT-CIS party-list

0
56

Prayoridad ng ACT-CIS Party-list ang pagtutulak sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.

Ayon kay ACT-CIS Rep. Niña Taduran, ang kanilang grupo ay para sa mga inaapi at sila ay isang anti-crime crusaders.

Nais nilang bigyang hustisya sa pamamagitan ng parusang kamatayan ang mga mapapatunayang gumawa ng karumal-dumal na krimen, plunder o pagnanakaw sa kaban ng bayan, terorismo at may kinalaman sa iligal na droga.

Dagdag pa ni Taduran, isusulong din nila ang tinatawag na clamp kung saan palalakasin ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan.

Magsisilbi rin umano silang labor and employment watchdog kung saan kanilang tututukan ang karapatan ng mga manggagawa sa bansa gaya ng mga security guard at construction workers.

—–