Basura mula sa Hong Kong nadiskubre sa Misamis Oriental

0
49

Nadiskubre sa Misamis Oriental ang isa na namang container ng halu-halong basura mula sa Hong Kong.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), apat na buwan nang abandonado sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan ang shipment mula sa Hong Kong na idineklarang electronic accessories.

Ngunit nang kanila umano itong inspeksyunin ay tumambad ang mga halu-halong plastic waste.

Ayon sa Ecowaste Coalition mapanganib ang naturang mga basura na mula sa Hong Kong.

—–