28.5 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pagtutok ng Pangulo sa ekonomiya kaysa war on drugs ipinanawagan na

- Advertisement -

Hinimok ng dalawang miyembro ng Senate Majority Bloc si Pangulong Rodrigo Duterte na mas tutukan na ang ekonomiya sa halip na ang giyera kontra droga.

Ito, ayon kina Senators Panfilo Lacson at JV Ejercito, ay bunsod ng patuloy na pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, isda, karne at gulay.

Ipinunto ni Lacson na mahalagang matutukan ang kinakaharap na krisis lalo’t malapit na ito sa sikmura ng taumbayan.

Ang purpose ng pamahalaan nasobrahan sa anti-drugs. I would suggest na total parang mechanical na yan. Bayaan na siguro sa pulis at PDEA yung tungkol sa paglaban sa illegal na droga. Siguro ang Malacanang mag-focus naman sa mas mabigat na problema na nakikita natin, which is ang economy natin, kasi di bumubuti, sumasama eh. I think siyempre kung nasaan ang focus ng pangulo siyempre naroon lahat sa bureaucracy naroon ang kanilang pagtutuunan ng pansin. Pero kung pagtutuunan ng pansin ng pangulo sa susunod na buwan o taon ay ang ekonomya syempre doon magfo-focus ng karamihan sa buong bureaucracy. So if I may suggest unsolicited as it is kung pwede i-focus ng pangulo ang kanyang efforts ang galit sa nangyayaring di maganda at tungkol naman sa ating economy.

Nagtataka si Senador Lacson kung ano na ang kinahinatnan ng inaabangang executive order na magtatapyas sa zero tariffs sa  inaangkat na mga isda at gulay.

Nagtataka ako bakit hindi lumabas ‘yung executive order ‘yung sa rice tariffication… may probisyon sa konstitusyon dahil tax measure ‘yan hindi puwedeng magi-issue ng E.O ang Pangulo kung nasa session ang Kongreso.. ang pagkaalam namin noon kaya kami nag-break noon ay para makapag-issue ng E.O ang Presidente para matugunan ang problema sa bigas at mga bilihin. ‘Yung sa galunggong nga, bakit tayo mag-iimport sa China eh sagana tayo riyan.

Kinatigan naman ni Ejercito ang pahayag ng kapwa mambabatas at ipinuntong hindi dapat basta ipaubaya ni Pangulong Duterte sa mga economic manager dahil seryosong usapin ang ekonomiya.

Agree ako kay Sen. Lacson dahil siguro naman itong nakaraang dalawang taon naipakita na ng Pangulo ang pagiging seryoso sa war against drug at panahon na huwag pabayaan lang hayaan sa economic managers ang aspeto ng ekonomiya dahil yan ang ikinabubuhay ng ating kababayan. I would agree siguro ang suggestion ni Sen. Lacson si Pangulo naipakita na seriousness sa drugs, siguro ag hands on na siya sa nangyayari wag ipaubaya sa economic managers dahil mataas na nag inflation kailangan tayong kumilos, TRAIN 2.

Dapat na rin aniyang tutukan ang pagpapabilis sa implementasyon ng Build, Build, Build program na isa rin sa mga pangunahing plataporma ni Pangulong Duterte noong 2016 presidential campaign.

Ako naman po ay supportive naman sa Pangulo, ang parati kong kinukulit ‘yun g massive infrastructur, modernization of airports, mga highways, railways system.. palagay ko iyan ang dapat nating mga i-fast track.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -