30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

DA at NFA nagsagawa ng surprise inspection sa mga warehouse ng bigas sa Bulacan

- Advertisement -

Nagsagawa ang sorpresang inspeksyon sina Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at National Food Authority Administrator Jason Aquino sa walong NFA licensed grain warehouse sa Marilao, Bulacan.

Ayon kay NFA-Bulacan Provincial Manager Elvira Obana, kabilang sa mga ininspeksyon ang Faerdig General Merchandise, Lom Marketing, Paracao General Merchandise at Marilao General Merchandise.

Pawang naglalaman ang mga bodega ng mga below normal rice stocks na karamiha’y binubuo ng malagkit o glutinous.

Samantala, hinimok naman ni Senador Cynthia Villar, Departmnet of Agriculture at Department of Trade and Industry na limitahan o ipako sa kwarenta pesos kada kilo ang price ceiling sa bigas.

Ito aniya, ay upang mapilitan ang mga trader na ibaba ang presyo ng bigas at maibsan ang nararanasang rice crisis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -