Pagtatayo ng underground tunnel kaugnay sa tumitinding traffic sa EDSA, iminungkahi

Pagtatayo ng underground tunnel kaugnay sa tumitinding traffic sa EDSA, iminungkahi

by Powered by DWIZ
57 views

Iminungkahi ng isang mambabatas ang pagtatayo ng underground tunnel upang masolusyunan ang problema sa daloy ng trapiko sa EDSA.

Ito ang isinusulong ngayon ni Pasig City Representative Roman Romulo kaugnay ng tumitinding problema sa EDSA.

Aniya, kung magkakaroon lamang ang Pilipinas ng stormwater management and road tunnel kagaya ng sa bansang Malaysia ay tiyak na maiibsan ang dami ng sasakyan na bumibiyahe sa EDSA.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Romulo na makikipag-ugnayan siya sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH) upang pag-aralan ang pagtatayo ng naturang tunnel.

0 comment

Related Posts