Wednesday, May 1, 2024

Pagtatayo ng pasilidad ng Dito Telco sa loob ng military bases sa bansa dedesisyunan na ng AFP

- Advertisement -

Nakatakda nang desisyunan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa susunod na linggo ang kasunduan nito at ng Dito Telecommunity.

Ito ayon mismo kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, kung saan sinabi nito na hindi pa kasi natatanggap ng AFP ang rekumendasyon ng Department of National Defense hinggil sa naturang kasunduan.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang nasabing kasunduan matapos aminin ni Lorenzana na wala siyang alam sa kasunduan ng AFP at ng Dito Telecommunity o ang dating Mislatel consortium.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, nakatakdang magtayo ang Dito Telecommunity ng Telco equipments sa loob ng mga military camps ng bansa na pinangangambahang gamitin pang-espiya sa Pilipinas.

Gayunman, sinabi naman ni Lorenzana na maitatayo lamang ng Dito Telecommunity ang kanilang mga telco facilities kung saan nakatayo rin ang mga telco facilities ng dalawang (2) telco player sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img