Kasado na ang ipatutupad na rollback ng ilang oil companies sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.
Epektibo mamayang 12M.N. (hatinggabi) ang ipatutupad na rollback ng Caltex kung saan papalo sa P1.45 ang rollback sa kada litro ng gasolina.
P.60 naman ang tapyas presyo sa kada litro ng diesel habang P1 naman sa kada litro ng kerosene.
Inaasahan namang mag-abiso ng kaparehong presyong tapyas presyo sa kanilang oil products ang Shell, Petron, at Unioil bukas ng umaga.