29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pagtatatag ng Baguio City Sport High School ipinasa ni Congressman Go

- Advertisement -

Baguio City – Inaprubahan ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas na naghahangad ng magtatag ng dalawang dalubhasang pampublikong mataas na paaralan sa lungsod ng Baguio.  

Ang House Bill (HB) 7316 ay nagnanais na magtatag ng Baguio City High School for the Arts samantala ang House Bill Number 8700 ay nagnanais na magtatag ng Baguio City Sports High School.

Si Congressman Mark Go, pangunahing akda ng House Bill Number 7316, ang nagsabi ng pagtatag ng dalubhasang pampublikong mataas na paaralan tulad ng sa sinig, ang mga kabataan sa lungsod ng Baguio maging ang mga karatig na lugar ay magkakaroon ng lugar kung saan ang kanilang kakayahan at talent sa kultura at sining ay lalong mahahasa sa kaaya ayaayang kapaligiran, pasilidad at kurikulum.

Sa kabaling dako, ipinaliwanag ng mambabatas na ang pagtatag ng dalubhasang pampublikong mataas na paaralan sa lungsod na nag aalok ng tinatawag na sports focused education o pampalakasan nakatuon sa edukasyon sa nagnanais nito ay mag aambag na pagandahin ang pagkakakilanlan ng lungsod bilang kanlungan ng talentong pampalakasan na magpapatuloy na magbigay karangalan sa lungsod kundi sa buong rehion Cordillera at maging sa buong bansa. 

Ang naturang panukalang Sports high school o mataas na paaralan para pampalakasan ay pangangasiwaan ng Department of Education na may koordinasyon sa Philippine Sports Commission (PSC).

Idinagdang ng naturang kongresista na ang kurrikulum ng nasabing paaralan ay magbibigay ng makabuhuhang diin sa pag unlad ng kasanayan sa palakasan ng mga mag aaral sa pamamagitan ng mga paksa sa pisikal na edukasyon at laro.

Ang mga panukalang batas ay nadala na sa Senado at naghihintay na lamang ng kaukulang rekomendasyon mula sa mga kinaukulang committee sa Senado para sa plenary debates at sa pag amendyanda.

Nagpahayag ng pag asa ang kongresista na ang Senado ay gagawa ng hakbang sa mga panukalang batas sa pagpapatuloy ng session ng kamara matapos ang pahinga sa panahon ng kapaskuhan para sa ganon ay maisumite ito sa opisina ng Pangulo para pagsasabatas ng batas. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio City)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -