Baguio City – Pinangunahan ng DIWATA Women in Resource Development Inc., kasama ang pamahalaang lungsod ng Baguio sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong, ang pagbabalik seremonya ng pagtatanim ng bulaklak na Everlasting sa Post Office Garden noong Araw ng Martes.
Iba’t ibang klase ng bulaklak ng Everlasting Flower ang itinanim sa loob ng Post Office Garden na ninanais na muling ibalik ang tanyag na bulaklak sa Baguio bilang bahagi ng pagpapaganda ng lungsod.
Sa kanyang mensahe, nagpahayag ni Magalong ng taos pusong pasasalamat sa grupo ng DIWATA sa tulong nito sa pagpapaganda ng lungsod.
Ang naturang kaganapan ay dinaluhan din ng Chairperson ng Creative Baguio City Council na si Marie Venus Tan, si Chairman at Ambassador Delia Albert, ang mga miyembro ng DIWATA at ang mga kinatawan ng media. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)