28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Pagtatangka ng PNP na magsagawa ng proofing as ACT members mariing kinondena ng mambabatas

- Advertisement -

Mariing kinondena ni Anakpawis Party list Rep. Ariel Casilao ang pagtatangka ng Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng profiling sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Ayon kay Anakpawis Party list Rep. Ariel Casilao, walang pwedeng ikatuwiran ang PNP para alamin ang mga impormasyon ng mga guro dahil hindi naman aniya mga kriminal ang mga ito.

Iginiit ni Casilao na hindi ligtas para sa mga guro na mapasakamay ng pulisya ang listahan ng mga miyembro ng ACT lalo ngayon na kainitan ng kaliwat kanang extrajudicial killings ng mga small time na sangkot sa iligal na droga.

Sinabi pa ng mambabatas na ang pahayag ni PNP chief Oscar Albayalde na sinibak ang intelligence officers na nag-leaked ng dapat ay confidential pnp memo ona mangalap ng mga kasapi ng ACT, ay kumpirmasyon ng “spying activity” nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -