35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Grupong Kadamay kinalampag ang NHA

- Advertisement -

Kinalampag ng nasa 200 miyembro ng grupong kadamay ang tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Elliptical Road sa Quezon City.

Pinangunahan ni Kadamay National Chairperson Gloria Arellano ang isang kilos protesta kung saan literal na kinatok ng grupo gamit ang bato ang gate ng NHA.

Panawagan ng grupo, bumaba na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte dahil bigo umano itong mapatupad ang mga proyektong pabahay ng gobyerno.

Dapat anilang ipamahagi na lamang sa mga mahihirap ang mga bakanteng housing units at nakatengga lamang na bahagi ng pabahay ng gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -