Pagtatalaga ng COVID-19 lab czar iminungkahi

0
13

Nais ni dating Department of Health (DOH) secretary at ngayo’y Iloilo 1st District Representative Janette Garin na magtalaga ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) lab czar.

Sa isang virtual meeting ng Defeat COVID-19 Committee ng kamara, iginiit ni Garin na ang COVID-19 czar ay magsisilbing operations manager sa mga testing laboratories sa bansa.

Bukod pa rito, ang lab czar din ang siyang magtatakda ng bilang ng mga tests na kakailanganing isagawa sa mga laboratoryo.

Kasunod nito, ayon kay Garin, sa ganitong paraan mas matutugunan aniya ng mga laboratoryo ang pangangailan ng bansa sa harap ng laban nito kontra COVID-19.

Samatala, kabilang sa rekomendasyon ng mambabatas, ang lab czar na rin ang magbibigay ng ulat sa publiko ukol sa mga natitirang bilang ng mga test kits.