DOH tiniyak na may nakahandang plano ang pamahalaan para mahinto ang COVID-19

0
14

Siniguro ng Department of Health (DOH) na mayroong mga nakahandang plano ang pamahalaan para mapabagal at mahinto ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito ang pagsisiguro ng DOH sa publiko, makaraang ihayag ng mga Chinese medical experts na bumisita sa bansa na mababa ang tiyansang mapuksa ang virus dahil sa limitadong bed capacity sa mga ospital na kanilang mga nabisita.

Kung kaya’t suhestyon ni Dr. Weng Shang Geng, na siyang head ng medical team, dapat aniyang bumuo ang Pilipinas ng mga “fang cang” hospital o make-shift shelter hospital na kanilang ginamit sa Wuhan na epicenter ng virus.

Dagdag pa nito, ang mga make-shift shelter hospital ay makatutulong aniya sa bansa na paglagakan ng mga nagpositibo sa COVID-19 at dito ipagpatuloy ang gamutan.