Saturday, May 4, 2024

Pagtatakda ng minimum wage para sa mga media practitioners isinulong

- Advertisement -

Isinulong ng ACT-CIS Partylist group ang pagtatakda ng minimum na sweldo para sa mga manggagawa sa media, base na rin sa karanasan ng mga ito.

Nakasaad sa House Bill 2476 ang pagkakaroon ng comprehensive benefits package para sa media workers sa Pilipinas.

Batay sa panukala ng ACT-CIS, ang minimum na sweldo ng media worker ay mula P20,000 para sa unang taon ng video editor hanggang sa P60,000 para sa mga field reporter, video editor at director na sampung (10) taon na sa kanilang trabaho.

Binigyang diin ng mga kinatawan ng ACT-CIS group na dapat kilalanin ang hindi matatawarang kontribusyon ng media workers sa pamamagitan ng pagtataas ng sweldo ng mga ito at dagdag proteksyon sa ilalim ng batas.

Nakasaad din sa panukala ang Security of Tenure na dapat ibigay sa mga nasa media industry gayundin ang insurance benefits.

Bahagi rin ng panukala ang pagbibigay sa media workers ng cash incentives, scholarship grants, exchange programs at awards.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img