Pagtanggal ng documentary stamp lusot na

0
49

Lusot na sa house committee on ways and means ang panukalang nagtatanggal ng Documentary Stamp (DST) sa diploma, transcript at iba pang records.

Sakop ng nasabing panukalang batas ang pag-alis sa mga non-monetary documents tulad ng diploma, transcript of records at iba pang certification sa paaralan.

Kasama rin dito ang oath of office ng 650,000 opisyal ng barangay at iba pang elective officials, good moral standing certificate na hinihingi ng Philippine Regulations Commission, affidavit of loss at iba pang certificates/notarized documents, proxies, certificate of no marriage record at Baptismal Certificate.

Ngunit ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng komite, mababawasan ng P450-M ang kita ng gobyerno mula sa DTS.