DILG suportado ang hindi paggawad ng parole kay Sanchez

0
45

Suportado ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hindi paggawad ng parole o pardon kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, hindi sakop si Sanchez sa batas na Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Giit ni Año, maliwanag na nakasaad sa batas na hindi kasama sa mga nararapat bigyan ng parole ang isang taong convicted ng heinous crime.

Dagdag pa ng opisyal, mabubutasan lamang ang justice system ng bansa kung mapapalaya ang kagaya ni Sanchez.

Una rito inihayag ng Department of Justice (DOJ) na hindi maaaring makasama ang dating Alkalde sa GCTA.