Pagtalaga ng pansamantalang mamumuno sa PhilHealth desisyon na ni Pangulong Duterte

0
20

Nasa kamay na ni Pang. Rodrigo Duterte kung dapat pang magtalaga ng caretaker sa PhilHealth habang nahaharap sa imbestigasyon si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales.

Ito’y ayon kay Shirley Domingo, tigapagsalita ng PhilHealth kaugnay ng kinahaharap na imbesigasyon ng ilang matataas na opisyal ng PhilHealth dahil sa umano’y kurapsyon.

Nito lamang linggo ng manawagan ang ilang mga empleyado ng PhilHealth kay Pang. Duterte na pansamantala munang magtalaga ng tagpangasiwa sa ahensiya.

Una rito, nagsumite rin ng dokumento sa Senado sina Morales at PhilHealth Executive Vice President Arnel De Jesus hinggil sa kalagayan ng kanilang kalusugan para sa gumugulong na imbestigasyon sa Senado na kanilang kinasasangkutan.

Matatandaang isiniwalat ni dating PhilHealth anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith na mayroong mafia sa loob ng ahenasiya kung saan nagawa ng mga ito na maibulsa ang P15 bilyong sa pamamagitan ng iba’t-ibang fraudulent scams.