Paglilinis sa legal department ng PhilHealth ipinag-utos ng Palasyo

0
22

Ipinag-utos ng MalacaƱang ang paglilinis muna sa legal department ng PhilHealth.

Ito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ay dahil kayang pagtakpan ng legal department ang isang anomalya.

Inihalimbawa ni Roque ang isinampang reklamo noon sa PhilHealth laban sa Wellmed na ibinasura lamang aniya ng legal department nito kung saan ang tumatayong pinuno noon ay si Senior Vice President Jojo Del Rosario.