Pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sigurado na sa susunod na linggo

0
49

Kasado na ang panibagong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa resulta ng trading mula Lunes hanggang Biyernes, maglalaro sa pitumput lima hanggang walumput limang sentimo kada litro ang itataas ng diesel habang pitumpu hanggang walumpung sentimo naman sa gasolina.

Nitong nakaraang linggo lamang tumaas ng diyes sentimos ang presyo ng gasolina dahil sa pagtaas ng presyo ng ethanol.