Mas marami pang pag-atake sa Sri Lanka ibinabala

0
43

Nagkukumahog na ang mga turista sa Sri Lanka para makalabas sa naturang lugar.

Kasunod ito ng babala ng Sri Lankan authorities na marami pang suspects ang hindi natutukoy at patuloy na nakakalaya.

Dahil dito, nagbabala rin ang pulisya na posibleng masundan pa ang Easter Sunday bombing na kumitil sa mahigit 300 katao.

Napag-alamang dati nang naaresto ang suspek na si Ahmed Ibrahim subalit pinalaya rin ito bago naganap ang suicide bombing.

Samantala, dinakip ng pulisya ang ama ng suicide bombers na sina Ahmed at Imsath dahil sa hinalang tinulungan nito ang kanyang mga anak.

—–