Pagtaas ng water level sa Angat dam bumagal, bagamat nadadagdagan

0
17

Bumagal ang pagtaas ng tubig sa Angat dam bagamat nadagdagan naman ang water level nito.

Ayon sa hydrology division ng PAGASA, nasa 183.46 meters ang water level ng Angat dam kaninang 6:00AM kumpara sa 183.45 meters kahapon.

Bukod sa Angat dam, nadagdagan din ang water level sa Binga, San Roque at Pantabangan dams habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Magat, Ipo at Caliraya dams.