29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Pagtaas ng bilang ng walang trabaho sa bansa hindi dapat ikabahala — Malacañang

- Advertisement -

Hindi dapat ikabahala ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.

Ito ay kaugnay ng pinaka huling Social Weather Stations (SWS) survey kung saan lumabas na pumalo na sa 20.7% o katumbas ng 9.8 million na Pilipino ang joblessness rate sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nanatiling positibo ang Malacañang sakabila ng naturang datos dahil ang naturang joblessness rate ay “seasonal” lamang.

Aniya, marami sa mga estudyante ang katatapos lamang ng kolehiyo nitong Hunyo kaya’t “logical” aniya kung marami sa mga ito ang wala pang trabaho.

Kaugnay nito, tumaas naman ang bilang ng mga Pilipino na nananatiling positibo na mayroon silang makukuhang trabaho sa bansa, kung saan umabot sa 55% ang mga Pilipinong optimistic sa job availability sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -