Thursday, May 2, 2024

Pagsusuri kung may China weather stations sa WPS posibleng maisantabi

- Advertisement -

Posibleng isantabi ng Malacañang ang panukalang suriin kung totoo ang ulat na naglagay ng weather stations ang China sa mga inaangkin nilang lugar sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaaring magkaroon ng problema dahil kailangang pasukin ang teritoryong pinag-aagawan para masuri kung totoo ang mga istrakturang itinayo doon ng China.

Sinabi ni Panelo na nag-aalangan silang magpalipad doon ng eroplano dahil posibleng ma-provoke ang China at mauwi ang lahat sa armadong komprontasyon.

Dahil dito, sinabi ni Panelo na pinakamabuting paraan pa rin ang mekanismo ng diplomasya at negosasyon para maresolba ang anumang gusot.

Una rito, inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi sila maaaring mag-verify sa di umano’y weather stations na inilagay ng China sa Kagitingan Reef, Subi Reef at Panganiban Reef sa West Philippine Sea.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img