29.8 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Mga kandidato sa pagka-Associate Justice sumalang na sa JBC public interview

- Advertisement -

Isa-isa nang sumalang sa public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga kandidato bilang associate justice ng Korte Suprema.

Ang mapipiling nominado ang kapalit ni Associate Justice Noel Tijam na magreretiro na sa January 2019.

Kabilang sa mga nasalang sa interview sina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, Sandiganbayan Associate Justice Efren Dela Cruz at Court of Appeals Justices Eduardo Peralta, Ramon Cruz, Ricardo Rosario at Ramon Bato Jr.

Bubuo ng shortlist ang JBC kung saan mamimili ang Pangulong Rodrigo Duterte ng itatalagang associate justice.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -