Pagsusuot ng face shield sa public transport mandatory na mula August 15

0
21

Mandatory na ang pagsusuot ng face shield kapag sasakay ng pampublikong sasakyan simula sa  ika-15 ng Agosto.

 Sa memorandum na inilabas ng Department of Transportation (DOTr),  inaatasan ang lahat ng hepe ng Transport sectors na maglabas ng anunsyo at maipagbigay-alam sa lahat ng commuters ang kautusang ito.

Maliban sa face shield , hindi rin dapat mawala ang mga dati nang kasama sa minimum health standard tulad ng face mask.

Sakop ng kautusan ang lahat ng pampublikong sasakyan kasama na ang LRT at MRT.