LY-CoV555 na gamot kontra COVID-19 nasa huling clinical trial na

0
24

Inihayag ng Estados Unidos na nagsimula na sila sa huling clinical trials para madiskubre ang gamot laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang naturang gamot ay isang antibody na tinawag na LY-CoV555 na natukoy sa isang blood sample ng isang pasyenteng gumaling mula sa Canada’s Abcellera Biologics.

Sa ikatlong yugto ng clinical trial kinakailangang nilang magpasok ng 300 volunteers na pasyente mula sa iba’t-ibang panig ng bansa  na na-ospital na dahil sa mild to moderate na COVID-19.

Ang mga pasyente ay tatanggap ng karampatang pag-aalaga laban sa COVID-19 kabilang na ang antiviral na remdesivir.