Radio Philippines Network
Headlines National News

Pagsuot ng N95 mask sa Metro Manila hindi na kailangan

Hindi na kailangan pang magsuot ng N95 mask ang mga tiga-Metro Manila.

Ito ang binigyang linaw ni Health Assistant Sec. Maria Laxamana matapos na makarating sa ilang bahagi ng Metro Manila ang ashfall bunsod nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay Laxamana, puwede namang gawing alternatibo ang paggamit ng N95 masks, ngunit makapagbibigay naman aniya ng sapat na proteksyon ang mga surgical masks sa mga lugar na mahihina ang ashfall dahil may sarili namang filtering system ang katawan ng tao.

Una nang ibinabala ng DOH na mapanganib sa kalusugan ang ashfall lalo na sa mga indibidwal na mayroong hika, bronchitis, emphysema, bronchitis at iba pang respiratory problems.

Related posts

Mahigit 50 medalya nasungkit ng Team PH sa patuloy na 30th SEA Games

Powered by DWIZ

Mayorya ng mga Pinoy nasiyahan sa May 13 elections – SWS survey

Powered by DWIZ

OB-Gyne dep’t ng Jose Abad Santos hospital sarado muna

Powered by DWIZ