31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Meningococcemia case sa Pasay City General Hospital hindi pa kumpirmado — Balanay

- Advertisement -

Isinailalim na sa decontamination ang emergency room sa Pasay City General Hospital.

Ito ay matapos na mapa-ulat na mayroong pasyente ang nag positibo sa sakit na meningococcemia.

Ayon kay Dra. Mary Joy Balanay ng naturang hospital, hindi pa naman kumpirmadong nag positibo sa meningococcemia ang batang pasyente at nailipat na naman ito ng ospital.

Gayunman, sinabi naman ni Balanay na bagamat hindi pa lumalabas ang resulta ng mga laboratory test ay nagsagawa na sila ng decontamination upang hindi na lumaganap pa ang anumang virus.

Sa ngayon, nilinaw naman ni Balanay na isolated case lamang ito at wala pang outbreak ng naturang sakit sa lungsod.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -