Tiniyak ni House Majority Leader Rolando Andaya na tumatalima ang Kamara sa ruling ng Supreme Court laban sa pork barrel fund sa gitna ng deliberasyon ng 3.757 trillion peso proposed 2019 national budget.
Ito ang inihayag ni Andaya sa kabila ng pangamba ni Senator Panfilo Lacson na daan-daang bilyong pisong halaga ng pork barrel funds ang nakatago sa panukalang pondo.
Nilinaw ng kongresista na hindi naman silang mga mambabatas ang nagpapatupad ng “pet” projects sa kani-kanilang distrito bagkus ay ang mga district o regional office ng Department of Public Works and Highways o DPWH depende sa halaga ng proyekto.
Magugunitang sinabi ni Andaya na nagkasundo na ang executive department at Mababang Kapulungan ng Kongreso na magpatupad ng isang “hybrid” na cash at obligation-based budgeting system para sa susunod na taon.
—-