Pagsirit pa ng presyo ng mga pangunahing bilihin ibinabala

0
46

Ibinabala ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagsirit pa ng presyo ng mga bilihin bago matapos ang Setyembre.

Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, makakaapekto dito ang ulat mula sa mga economic managers ukol sa pananalasa ng Bagyong Ompong na sinalanta ang mga taniman sa Hilagang Luzon.

Iginiit naman ni Guinigundo na hindi naman ito ang unang pagkakataon na bumilis ang inflation dahil noong 1980’s ay pumalo sa 40 percent ang inflation sa bansa.

Sa kabila nito, siniguro naman ni Guinigundo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapagaan ang epekto ng mas mataas na bilihin.