Sunday, May 5, 2024

Duterte isinisi ang oil price hike sa patuloy na pagtaas ng inflation rate

- Advertisement -

Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mabilis na inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa kanyang talumpati sa Asia Pacific Association of Gastroenterology-3rd Inflammatory Bowel Disease Clinical Forum sa Cebu City, ipinunto ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng krudo.

Ayon sa Punong Ehekutibo, halos lahat ng sasakyan at plantang nag-su-supply ng kuryente sa buong mundo ay pinatatakbo ng oil products.

Kataka-taka aniyang hindi biniyayaan ang Pilipinas ng langis gayong sagana sa naturang produkto ang mga karatig bansa gaya ng Indonesia, Malaysia at Brunei.

Magugunita noong isang buwan ay umabot sa 6.4 percent ang inflation rate, malayo sa 5.9 percent rate na prediksyon ng  Department of Finance.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img