Pagsasapubliko ni Pangulong Duterte ng narco-list hindi umano ‘ground for impeachment’ — Palasyo  

0
53

Hindi umano ground for impeachment ang pagsasapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa narco list.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Salvador Panaelo matapos ang pahayag ni Akbayan Party list Rep. Tom Villarin na isang impeachable offence ang ginawa ng pangulo.

Ayon kay Panelo, walang saysay ang pahayag ni Villarin lalo’t hindi naman ito abogado.

Para aniya sa kabatiran ng kongresista ay nagsampa na ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.

Ipinunto ng Palace official na ang pagsasapubliko sa pangalan ng mga kriminal o hinihinalang sangkot sa krimen ay hindi naman batayan upang sampahan ng impeachment case ang pangulo.