Kautusan ni Pangulong Duterte upang resolbahin ang water crisis nakatakda na — MWSS

0
60

Ipatutupad na sa lalong madaling panahon ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang action plan bilang solusyon sa krisis sa tubig na nararanasan ng mga customer ng Manila Water.

Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, makikipag-ugnayan sila sa mga alkalde at magdedeploy ng karagdagang fire brigade upang mabawasan ang paghihirap ng mga customer sa mahabang pila makakuha lang ng tubig.

Gayunman, nilinaw ni Velasco na hindi naman literal na ipinag-uutos  ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpakawala ng malaking volume ng tubig mula  angat dam bagkus ay nais lamang tiyaking makakukuha ng sapat na supply ang mga mamamayan.

Magugunitang ipinag-utos ng punong ehekutibo sa MWSS na magpakawala ng tubig mula Angat dam na sasapat ng hanggang limang buwan upang matuldukan na ang water shortage.