Tuesday, May 7, 2024

Pagsapi sa majority bloc ng mga kongresistang nasa Liberal Party tuloy parin

- Advertisement -

Tuloy pa rin ang pagsapi ng mga kongresistang tiga Liberal Party sa Majority Bloc.

Ito ay kasunod ng ginawang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na speaker ng Kamara.

Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, tama ang ginawang pag endorso ni Pangulong Duterte kay Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano bilang House Speaker.

Anya, napag-desisyunan na ng mga kongresistang taga Liberal Party na nais nilang maging kasapi ng majority bloc dahil beteranong mamababatas si Cayetano at nararapat lamang itong mapiling susunod na House speaker.

Kaugnay nito iginiit rin ni Erice na panahon na upang wakasan ang paglalaban laban ng mga mambabatas para sa House speakership race.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img