33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Pag endorso ni Pangulong Duterte ng House speaker idinipensa ni Pimentel

- Advertisement -

Dinipensahan ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel ang ginawang pag-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na speaker ng Kamara.

Ito ay matapos i-endorso ng pangulo si Taguig City Representative Alan Peter Cayetano para maging speaker ng House of Representatives sa pagsisimula ng 18th Congress sa Hulyo 22.

Ayon kay Pimentel, hindi dapat batikusin si Pangulong Duterte sa pag-endorso nito sa term sharing scheme para matuldukan ang isyu sa speakership sa Kamara.

Sa naging talumpati ng pangulo sa oath taking ceremony ng mga bagong talagang opisyal sa Malacañang, sinabi nito na uupo si Cayetano bilang House speaker sa unang 15 buwan atsaka ito papalitan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa natitirang panahon ng 18th Congress.

Dagdag pa ni Pimentel, si Pangulong Duterte mismo ang nilapitan ng mga kongrisista at nais lamang anya ng pangulo na huwag maging magulo ang pagpili sa susunod na speaker ng Kamara.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -