Pagpili sa susunod na House Speaker ipinauubaya kay Pangulong Duterte

0
51

Ipinauubaya na ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpili sa isasabak nilang kandidato para sa House Speakership.

Ayon kay Congressman Lord Allan Velasco, nagpakasunduan nila sa partido na hayaan na ang pangulo ng PDP-Laban ang desisyon kung sino ang nararapat na kandidato ng partido.

Maliban kay Velasco, interesado rin sa House Speakership sina dating Speaker Pantaleon Alvarez at Aurelio Gonzales na kapwa kapartido nya sa PDP-Laban.

—–