Durant hindi makakapaglaro sa Game 1 ng NBA finals

0
47

Hindi makakapaglaro sa game 1 ng NBA finals si Golden State Warriors (GSW) forward Kevin Durant.

Ito ang inanunsyo mismo ni GSW coach Steve Kerr dahil pa rin sa iniindang injury ni Durant sa kanyang binti.

Magugunitang nagkaroon ng injury sa kanang binti si Durant sa game 5 ng kanilang laban kontra Houston Rockets para sa Western Conference Final noong Mayo 8.

Samantala, sinabi ni Kerr na hindi pa rin tiyak kung makakasama rin sa game 1 si GSW center DeMarcus Cousins dahil naman sa injury nito sa kaliwang paa.

Gaganapin ang game 1 ng NBA final sa Biyernes ng umaga, oras sa Pilipinas sa home court ng Toronto Raptors.