Friday, May 3, 2024

Pagpayag ni Duterte na mangisda ang mga Tsino sa EEZ ng Pinas hindi ground for impeachment — Castro

- Advertisement -

Hindi basehan sa posibleng impeachment ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpayag nitong mangisda ang China sa EEZ o Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon ito kay Outgoing House Majority Leader Fredenil Castro na nagsabi ring ang hakbang ng pangulo ay bilang pakikisama lamang o pansamantala lamang.

Binigyang diin ni Castro na ang sinasabing paglabag ay kapag binigyan ng karapatan na mag may ari ang ibang bansa sa EEZ ng Pilipinas.

Kasabay nito, inihayag ni Castro na dapat payagan ding makapangisda sa teritoryo ng ibang bansa kung pinayagan ang mga dayuhan na makapangisda sa EEZ ng Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img