35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Pagpayag ng Sandiganbayan na makapag-piyansa si dating first lady Imelda Marcos binatikos

- Advertisement -

Binatikos ng ilang kritiko ang pagpayag ng Sandiganbayan na makapag piyansa si dating first lady Imelda Marcos.

Matatandaang kahapon ay nagbayad ng 150,000 piso si Ginang Marcos para sa hindi pagdalo sa naging promulgation ng kanyang mga kasong graft.

Ayon kay dating presidential commission on good government commissioner Ruben Carranza, dapat ay ikulong si Ginang Marcos dahil sa hindi nito pagdalo.

Sa kabila nito ay kumpyinsa naman si Carranza na hindi babaliktarin ng korte ang hatol na guilty kay Marcos sa mga kasong graft.

Para naman sa National Union of Peoples Lawyers, 27 taon na at patuloy pa ring naghihintay ang mga pilipino na makulong si Marcos.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -