29.8 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Pagpasok ng umano’y 2 suicide bomber sa Pinas binabantayan ng AFP at PNP

- Advertisement -

Naka-alerto na hanay ng militar at pulisya hinggil sa napaulat na pagkakapuslit sa bansa ng 2 SRI Lankan Suicide Bomber na nagbabanta ng pag-atake sa Luzon

Batay sa report ng pahayagang “The Straight Times”, nakilala umano ang 2 terorista na sina Mark Kevin Samhoon at Victoria Sophia Sto. Domingo batay sa watchlist mula sa MIAA o Manila International Airport Authority na may kamag-anak din umano rito sa Pilipinas

Si Samhoon ay sinasabing may ugnayan sa National Thoweed Jama’ath na isang Terrorist Group na nasa likod ng pagpapasabog sa isang simbahan sa SRI Lanka nitong pasko ng muling pagkabuhay nuong Abril na ikinasawi ng 250

Habang sinasabi namang isang “Black Belter” umano si Sto. Domingo na nagsasanay sa mga bata at babae sa paggawa ng bomba o pampasabog

Batay sa ulat, dumating sa Pilipinas si Sto. Domingo nuon pang Nobyembre ng nakalipas na tapon habang nitong Hunyo naman dumating sa bansa si Samhoon

Sa kabila nito, sinabi ni PNP Spokesman P/Bgen. Bernard Banac na wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad subalit patuloy na naka-alerto ang buong hanay ng PNP

Sa panig naman ng militar, sinabi ni AFP Spokesman Marine BGEN. Edgard Arevalo na bagama’t mayruon na silang natanggap na impormasyon ay masusi pa rin nila itong bineberipika

Kaya naman umapela sina Banac at Arevalo sa publiko na manatiling naka-alerto at mapagmatyag subalit naki-usap din silang maging kalmado at ipaubaya sa kanila ang pagtitiiyak sa seguridad ng bansa

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -