Pagkamatay ng isang Tsino ikinabahala ng Pangulo – Palasyo

0
64

Nagpahayag ng pagkabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkamatay ng isang 27 anyos na Chinese National

Ito’y makaraang mapaulat na nahulog ang nasabing Tsino sa 6th na palapag ng isang gusali sa bahagi ng Pamplona 2 sa Las Piñas City nuong Biyernes na nakilalang si yang kang

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, inatasan na ng Pangulo ang Pambansang Pulisya na imbestigahan ang naturang insidente at tugisin ang sinasabing Supervisor ni Yang dahil sa pagkulong sa biktima

Tiniyak ni Panelo, hindi hahayaan ng pamahalaan ang nasabing kalakaran kahit na sa sinumang dayuhang pumapasok at nagtatrabaho sa Pilipinas