Pagpasok ng dry season sa bansa posibleng mapaaga

0
42

Posibleng mapaaga ang opisyal na pagpasok ng dry season o tag-init sa bansa ngayong taon.

Ito, ayon kay Doktora Analiza Solis, climate monitoring chief ng PAGASA, ay dahil sa umiiral na ‘weak’ o mahinang El Niño sa bansa.

Noong nakaraang taon aniya ay ikalawang linggo ng Abril nang opisyal na nagsimula ang dry season.

Samantala, nasa 80 porsyento anya ang posibilidad na magtuloy-tuloy pa hanggang Hunyo ang nararanasang El Niño na nagdulot ng lubhang tagtuyot sa mahigit 10 probinsya sa bansa.

Lumalabas naman sa ibang mga pag-aaral ayon kay Solis na aabot pa hanggang Hulyo o Agosto ang tagtuyot sa bansa.

Pagtatayo ng Kaliwa dam ipupursige ng MWSS sa kabila ng maraming tumututol.


Kaliwa dam mas mura at maaasahan kaya sa proyekto ng Japan

Mas mura at mas maaasahan umano ang Kaliwa dam project na pinondohan ng China kaysa sa proyektong inihahain ng Japan.

Ito’y ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino kung saan mas makapagbibigay aniya ito ng tiyak na water supply sa panahon ng tagtuyot.

Mas mura anya ang pagpapatayo ng 60-meter dam sa halagang P12.2 billion kaysa sa P21 billion na halaga ng 7-meter weir project na iminumungkahi ng Japanese firm na Global Utility Development Corporation.

Paliwanag ni Lambino, mas kailangan ngayon ng bansa ng dam na makapag-iimbak ng tubig na maaaring gamitin sa panahon ng tagtuyot gaya ng kasalukuyang nararanasan sa bansa.

Dagdag pa ni Lambino, dinesenyo ang Kaliwa dam na may kakayahang maglaman ng 2.4 milyong litro ng tubig bawat araw.