Bentahan ng sibuyas bagsak presyo sa merkado

0
63

Bagsak presyo ngayon ang bentahan ng sibuyas dahil sa sobra-sobrang suplay nito sa merkado.

Ito’y sa likod ng panahon ng anihan na sumabay pa sa suplay ng mga imported na sibuyas.

Sa Nueva Ecija, P15 hanggang P16 na lamang ibinebenta ang kada kilo nito.

Batay sa datos ng provincial agriculturist, nasa mahigit 1,000 ektarya ng lupa sa 11 bayan at munisipalidad sa Nueva Ecija ay taniman ng sibuyas.

Hinala ni Agriculture Secretary Manny Piñol, nagkakaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga negosyante at mga may kontrol sa cold storage facilities upang mawalan ang mga magsasaka ng lugar para mapreserba ang kanilang mga ani, dahilan para mapilitan ang mga ito na ibenta ang kanilang ani sa mas mababang presyo.

Samantala, nakipag-ugnayan na si Piñol sa National Bureau of Investigation at sa Philippine Competition Commission para imbestigahan ang naturang gawain.