Inalmahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang tila pagmamadali ng Kamara na maipasa ang panukalang charter change.
Inaprubahan na kasi ng Lower House sa ikatlo at huling pagbasa ang draft federal constitution o charter change na magbabago sa sistema ng gobyerno tungo sa pederalismo.
Ayon sa KMP, malinaw na minamadali ng mababang kapulungan ng kongreso ang pagpasa sa cha-cha.
Nagbigay babala naman ang KMP, na sa oras na maging ganap na batas ang cha-cha, tatanggalin nito ang mga natitirang polisiya sa konstitusyon na siyang nagpoprotekta sa mga tao at bansa.