Sunday, May 5, 2024

Pagpapatupad ng social distancing posibleng tumagal hanggang 2022 —Harvard University

- Advertisement -

Posibleng kailanganing magpatupad ng ‘intermittent social distancing’ o ang patigil-tigil na social distancing hanggang taong 2022.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng mga siyentipiko sa Harvard University dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) global pandemic.

Batay sa pag-aaral, hindi kasi uubra ang minsanang pagpapatupad ng lockdown bagkus ay kailangang mag-patupad ng paulit-ulit na isang metrong social distancing upang tuluyang malapamsan ang pandemyang ito.

Ayon kay Stephen Kissler, ang lead author ng nasabing pag-aaral, hindi kasi basta-basta malalabanan ang COVID-19 sa pamamagitan lamang ng one-time social distancing.

Binigyang diin nito na sa pamamagitan kasi ng social distancing napababagal at napipigilan ang transmission ng virus.

Sa ngayon, sinabi pa ng mga eksperto dapat na maghigpit ang lahat sa pagpapatupad ng mga health protocols lalo na’t wala pang bakuna laban sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img