MMDA handang tumulong sa paghatid ng labi ng mga nasawi dahil sa COVID-19

0
22

Handa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makipag ugnayan sa kaukulang ahensiya ng gobyerno hinggil sa tamang pag-hawak, at pag-biyahe sa mga labi ng mga pasyenteng pumanaw dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, hindi responsibilidad ng MMDA ang koleksyon, transportasyon, at ang paghahatid ng mga labi ng mga nasawi sa COVID-19, ngunit handa silang maging tulay ng mga ospital at mga local government units (LGUs).

Sinabi ni Pialago, sa pamamagitan kasi nito ay mas padadali ang pakikipag ugnayan sa mga kaukulang ahensiya.

Sa ngayon, sinabi naman ni Pialago na umaasa sila para sa agarang pag balangkas ng tamang alituntunin at protocols hinggil sa tamang pag-handle ng mga labi ng mga pasyenteng nasawi dahil sa COVID-19.