Saturday, May 4, 2024

Pagpapatupad ng national building code, may diperensya — Solidum

- Advertisement -

Dapat isama na sa mga itinuturo sa High School ang simpleng konstruksyon ng matibay na bahay.

Ayon kay DOST Undersecretary Renato Solidum, Officer-In-Charge ng PHIVOLCS sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng ideya ang bawat mamamayan kung ano ang tamang materyales para sa kanilang bahay.

Sinabi ni Solidum na hindi ang national building code na nais paamyendahan ng kongreso ang diperensya kundi ang pagpapatupad nito.

Dapat rin anyang maging tuloy-tuloy ang pag-update sa implementing rules and regulations ng batas upang mai-ayon ito sa kasalukuyang panahon.

Kung hindi po kayo inhinyero, hindi niyo alam kung ano ang minimum standards ng laki ng hollow blocks at bakal na gagamitin sa isang maliit na bahay; ito po’y 6 inches na hollow blocks at 10 mm na lapad ng bakal. Marami pong gumagamit ng 4 inches  at 6mm na bar, ito po’y mali at iyan ang dahilan kung bakit bumabagsak sila kaagad. Yung mga bahay o di kaya’y yung iba pang tanggapan, eskuwelahan dapat tingnan ng mabuti rin kasi yung dami ng bakal, distansya ng bakal ay kailangan din,” ani Solidum. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img